Sunday, December 26, 2010

here goes this freaking feeling again

marami na rin nangyari sa buhay ko. for the past 21 years of my existence; natuwa, nalungkot, na sobrang nalungkot, umasa, nanlumo, nabigo, nagutom, nauhaw, nasobrahan sa tuwa at kung ano ano pa. pero isa sa mga ayoko ma-praning..rrrr...ayoko na maging praning. please! utak, wag ganun ah..?? nakaka stress eh.
Pero eto talaga ang pinaka ayaw ko talagang feeling sa lahat lahat lahat lahat eh  ma-inlove. yuck! ni hindi ko na nga alam ung feeling na yun eh! ano un!!! feeling ko un ung kapag tumitibok ng bongga ung puso. tugztugztugztugztugztugztugz tugtug tugz...ganun??? hmf!!! basta..no no no no!!! ayoko ma-feel un ngayon. ineenjoy ko na ung single life ko tama na!!! lumayo kayo sakin...please..temptation kayo. may mahal na ko!!! seryoso na ko saknya. at hindi nya ko iiwan. i'm talking about my thesis. sya muna ha?? .
hay naku! hmf!  chill lang...

Sunday, December 19, 2010

My new addiction

Last Saturday was the second Comelec General Assembly and the release of the endorsement results. Four from the CA Comelec attended the said event; Me, Mikez, Sigs and Jep. During the run of the event, me and my co-officers kept on chatting about this rock band game they were addicted with. And since sa afternoon release na ng edorsement results kinakabahan talaga ako ng sobra, and I kept on telling them na if could make it through the endorsement, we'll play RB and I'll treat them beer since napakabait nila sakin pinapababa nila morale ko by saying kahit kabahan ka basta babagsak ka destiny mo na yun! badtrip di ba?hahaha...WHo needs enemies when i got these guys.

Anyway, endorse ako, kaya last Thursday me and the guys plus jeman went to Dapitan to check out this RB game they were bragging about. Grabe, I'm not much of a gamer since hindi naman kami pinalaki with game consoles pero, this game is soooooo addicting! kaso 1 hour lang kami eh. Pero sana na extend! Since then pinangako ko na I'll save money to buy PS3 tapos Rock Band lang ung game. Waaaah!!! Can someone please give me PS3 as a gift this Christmas. please Santa? please??? Napakamahal kasi eh. Hmf! Someday, magiging akin ka rin hahaha...:)

Another memorable day

December 18 will always make an entry on my journal. Same day last year (2009 Paskuhan), someone broke my heart which made me tame and decide not to have a boyfriend muna unless I'm stable enough to be on a 'pang-forever' relationship. SO yun, I just celebrated my 1st year anniversary being single. hehehe...

Anyway, back to my story, this year naman, what happened was really funny. I just wanted to share my experience kasi nakakatawa. 12 something na natapos ung Paskuhan so technically, December 18 na. Me, Kenn, Mao, Anna, Jervin and Mons went to Banchetto in Ortigas to grab something to eat, at the same time at least do something fun after Paskuhan. Supposedly kasi mag toTomas kami with Aren, kaso mukhang may ginagawa si Aren nung mga time na yun kaya di na natuloy. Sa Banchetto, masaya naman kahit sobrang daming tao. Andaming food! Kung gusto mo talaga kumain ng sobra pero mura, punta na sa Banchetto! hahaha...Di kami masyado nagtagal, nabusog na rin kami plus kelangan na umuwi ni Anna and Mao. Unfortunately, ung paper bag ko naiwan sa auto ni Mao, eh tinatamad ako kunin, so sabi ko kunin ko na lang kina Mao kinabukasan. Pero sabi ni Mao, sya na raw magdadala sa bahay. Eh di yun umalis sila Mao, si Jervin naman sumama sa mga blockmates nya na nandun na rin, at since malapit lang si Kenn sa Ortigas iba ung sinakyan nya, at kami ni Mons, since blocks away lang ang aming mga apartments, nagsabay na kami. Habang nagaabang ng taxi, syempre nakapag usap kami. Inisip ko na lang na nakakatawa yung usapan namin kasi may pagka seryoso tapos yung mga sinasabi nya na narinig raw nya sa ibang tao about me wala namang basis. hahaha...kaya yun, natawa lang ako. nakakatawa kasi ung source nya eh! hahaha...

Nung nasa Lacson na kami, sabi ko 'bababa ka na sa kanto nyo?' sabi nya, 'hindi, hahatid kita' so ok...Pagdating namin sa tapat ng apartment ko...shet. yung susi ko, nasa paper bag!!! Ung itsura ni Mons parang gusto nya kong sapakin, hahaha...inisip ko pa raw kasi ung brownies ko kesa sa susi. Umupo muna kami sa bench sa condo na katabi namin. Tumawag ako ng ilang beses sa kapatid ko hoping na dun sya natulog sa apartment. Pinilit ko si Mons na ok lang kahit iwan nya ko dun since darating na ung parents nya in awhile pero ayaw nya raw muna ko iwan hanggat di ako nakakapasok. halos 20 minutes rin kami sa labas until we decided na umattend na lang ng Simbang gabi sa UST. Pangalawang beses na namin magsimba together.

Since late na kami nakarating sa UST, gospel na naabutan namin. Naantok na rin kami kasi diredirecho lang namin ginawa un. Sabi nga nya, hindi nya ineexpect na mangyayari to, kasi ang ineexpect nya, lasing na sya nung mga time na yun. EH di ko rin naman ineexpect yun eh! di ko kaya plinano un! hahaha...anyway, nakikinig naman kami sa homily, kaso para mawala ung antok, pinansin na namin ung ibang tao sa paligid namin, pati ung mga jejemon kids sa tabi, yung papel na gusto naming agawin sa tapat namin para makaupo na kmi mga ganun. Nung bandang communion, lumipat kami, sa medyo 5 meters away sa tinayuan namin, kasi dun madamo, at di na namin kaya ung pagtayo, pero di pa rin kami umupo kasi....hindi pa kami nakakatagal dun biglang nagkagulo! Nagtakbuhan yung mga tao na mga nakatayo dun sa may malapit ng road before mag Main building. Para silang na-infect ng virus kasi hawa hawa silang nagtakbuhan. Naimagine ko nga may nagaamok na kung sino na papatayin yung kung sino makita nya, pati naisip ko na rin na may zombies na pero weird un. Instead na tumakbo rin kami katulad ng mga tao sa tabi namin, hindi namin ginawa. Actually, sa lane namin, kami na lang ung nakatayo. Nandun lang kami nanonood sa nangyayari sa road na yun. Medyo humupa ng saglit kasi may mga nagbabalikan dun sa place nila. Tapos biglang, ayan na naman, dun na nagpanic si Mons. hahaha..hinila nya kamay ko habang ako natatawang nakatingin saknya. Naglakad lang kami kunwari para di masyado halatang takot kami. Yung dating crowded na field, biglang naubos ung kalahati. Yung mga sa gitna lang ung hindi affected. Andun pa kasi sila kahit nagkakagulo na eh. So yun, since nawala na yun mga tao, nagkaron na kami ng chance na makaupo sa mga benches sa tapat ng simbahan habang pinapanood naman ung mga dumadaang galing sa Main building. hehehe...tapos nakikinig sa mga kung ano man sinasabi ng mga dumadaan about sa nangyari. Mga batang jejemon pala na naging affected sa homily ni father. joke lang, di namin alam.

Nagstay kami saglit dun kasi 4.50 pa lang! antagaaaaal. magkakape dapat kami kaso maarte si boss, gusto Starbucks, e wala pang bukas nun, kaya umuwi na lang kami. Triny namin buksan ung gate, buti na lang pagtingin ko sa phone ko may text si Dax! wooh! nasa apartment sya. yey! nakapasok na rin ako, hehehe..after 20 mins, dumating si Daddy. buti na lang nakapasok na ko at nakapag bihis! hahaha...di nya alam na magkasunod lang kami dumating.

So yun ang kwento ng aking nakakatawang December 18, 2010 experience with Mons. Next year kaya ano kaya mangyayari, hahaha...Salamat Monsi baby, dinamayan mo ko. :)

Wednesday, November 24, 2010

WANTED: Future Boyfriend

Along with my current favourite song, long Distance by Bruno Mars, I’m in LSS mode with Eevee’s Gusto ko lang ng girlfriend. I enjoyed every word of its lyrics. One time, because of my desperation due to stress caused by thesis, I thought of my future boyfriend. I know I’m no hottie but I still have the right to set standards when it comes to boyfriend qualification, right?
Anyway, aside from the basics: Tall (about 5’8-6’), Fair complexion, Healthy/toned body, Has an abs like Ryan Reynolds,  with Bachelor’s Degree, Pretty eyes and smile, and I’m not really strict with age as long as he isn’t 10 years older; I have considered these to be really important:
a.       a. Willing to do my thesis
b.      b. Impressive family background
c.       c. Single.
If you have all these qualities, or even 4 of the basics plus all of the really important, apply na kayo. Don’t be shy. You can call or text me anytime. I’ll be more than willing to entertain you. Just please do come soon! I really need you, di ko matatapos thesis ko. J
(Talk about desperation and shitness…hahaha) Joke lang to!

Monday, November 22, 2010

Long Distance

It has been (like) a ritual for me whenever I use the computer or do something that really needs (like super)  concentration (i’m talking about thesis),  i listen to my kind of music. I consider myself a big fan of music despite the fact that i am a tone deaf – i could hardly identify tones that’s why i can’t sing, play instruments and even dance to a beat. Anyway, i have this one particular artist that ever since he came into the music industry (with no reluctance) I became one of his (silent) fans. From his collaboration with Travie Mccoy (Billionaire) to my current crush song, Bruno Mars never failed me with his nakaka-LSS na songs. One of which is the emoness song Long Distance. I don’t know if it's because it reminded me of a friend whom I miss sooooo much (yes, again i’m talking about Andre and other friends na namimiss ko na rin) or just because it’s a (really) moving song. The chorus of the song goes like this...

With you whisper I’d rather be
But we’re stuck where we are
This long distance is killing me.
I wish that you’re were here with me
But we’re stuck where we are, so hard, so far…

O diba, every time I hear this naiisip ko si Andre, feeling ko nag-ibang bansa lang sya, waiting for us to join him (di muna asap pero soon).. Anyway, I’m looking forward to Bruno Mars’ new album. J

just 5 things..

Five things you will find if yo u open my bag: 
1. ID with keys
2. Cellphone
3. Wallet
4. Make-up
5. Planner

Five things in my bedroom: 
1. Bed
2. Books
3. Frames
4. shoes
5. Green and Blue

Five things I want to do in my lifetime:
1. Put my imagination into reality
2. Be an inspiration
3. Love
4. Support love ones
5. Travel, have fun

Five things that make me happy: 
1. Family & Friends
2. sleep (free time)
3. yummy food!
4. hang outs
5. korny jokes/funny stories

Five things I’m currently into:  
1. Shoes
2. bags
3. movies
4. Ice cream
5. more architectural stuff

Five things on my to-do list for today: 
1. Thesis
2. listen to good music
3. Read more books
4. DO schemes
5. meet friends at school

Five things some people may or may not know about me:
1. I'm an introvert
2. I listen more and talk less
3. I laugh hard!
4. I'm korny
5. I think I have short term memory loss

Five random things about me: 
1. I have really weird body clock
2. I can stay awake 36 hours straight 
3. I so love my pamangkins!
4. I don't want to get married.
5. I want to be with my love ones if only I can control the time

Thursday, November 11, 2010

Hey Babe

Sa nag-iisang babe sa buhay ko

Hey pogi, kamusta. Matagal tagal na rin simula ng huling kita natin ah. Kamusta naman ang bagong buhay dyan? Madami ka na bang friends? Kamusta pagbabahay-bahay at dream hopping ah? Natutuwa naman kami dahil di ka pa rin nakakalimot.

Anyway, di na kita napapanaginipan. L (O baka masyado lang ako pagod pag kaya di ko maalala na dumalaw ka). Pero ansaya nung mga huling alaala ko sa panaginip ko sayo ah. Pogi pa rin! Ang pa-cute mo pa rin tlaga. At masaya naman ako na lagi kang nakangiti pag nagkikita tayo. Haay.. lamo kung totoo nga na dumadalaw ka sa panaginip, natutuwa ko dahil masaya ka naman. Masaya na kami kung masaya ka. Di ka naman kasi pupunta dyan kung hindi, ayaw mo kaya mahiwalay sa mga mahal mo. Pero kahit wala ka na, parang nandito ka pa rin.

Babe, sobrang namimiss na kita. Yung korny mong jokes, disappointed mong mukha pag nakornihan kami sa joke mo, mangingiliti ka pa kapag di kami tumawa. Yung pamatay mong ngiti, yung amoy mong sobrang bango. Yung makisig mong dibdib na sarap yakapin. Yung lakad mong nagtitip-toe at syempre ang random times na bigla ka na lang kakanta at magbabading bading. See, kahit 4 years na tayo di nagbobonding kilala pa rin kita.

Alam mo, feeling ko sa tuwing naiisip kita, parang nandito ka pa rin talaga. Ang galing nga kasi di naman ako masyado makaalala pero pagdating sayo dami ko naaalala..specially high school days. Nung umiyak ka nung su ka, nung nagtabi tayo sa backride ng tricycle nung fourth year at dun ka nagtanong kung pede manligaw. Laughtrip ka talaga! Simula nun, dinadalaw mo na ko sa room, kayo ni jom, one time pa nga narinig mo sakin ung gusto mong 3 words eh..XD prom syempre kaw last dance ko. Syempre, di natin malilimutan ung  sinabihan mo ko na ang panget ko, at di mo alam kung bakit mo ko nagustuhan, tapos sabi ko kapag nawala braces ko di mo na ko makikita...ever.

Nakakainis! Kung meron man ako pinagsisisihan, yun yung pagsabi ko sayo nun. Imagine, joke lang yun, tapos nagkatotoo. Tapos andami sanang chance na nagkita tayo sa uste, pero for 4 years, kahit isa wala. Ang masama pa nyan, halos lahat na ng taga uste na kabatch, na ang iba eh di mo ka-close  nakita mo, maliban sakin. Friends tayo eh, di ba? Friends!

Haaay..Dalawang beses akong nag birthday na sumama ung ibang true friends, kaw lang wala! Ano ba yan! Tsk. Tapos nitong birthday ko kung hindi lang sa thesis magkikita na tayo eh. Tae, gusto talaga kita makita nun para lang mapatunayan sayo na di ko talaga gusto tuparin un sinabi ko sayo. Sinabi ko pa na mahaba pa ang buhay; kahit after graduation ko pa, ako pa manlilibre, tapos inurong natin ng sembreak para mas malapit. Alam mo ba, tetext kita dapat nun nalaman ko 1 month sembreak namin! Kaso dre, 1 week na lang un o. Taenang tadhana yan o.

Tuloy, ako lang nakakita sayo. After 4 years, sa ICU pa kita makikita. Sa lahat ng lugar, dun pa. Sobrang nagppray ako kay God nun na sana magka miracle. Mayakap man lang kita. Ansarap mong gisingin nun. Gusto kita alugin, sana nag jojoke ka lang. Kahit nung dumadalaw kami sa lamay mo, parang di pa rin totoo. Hay..loko ka, pinapaiyak mo ko kahit may klase kami. Akalain mong naka survive ako ng finals habang nagluluksa. Alam mo, unti unti na namin natatanggap na wala na kayo. Pero bumabalik pa rin yung thought na parang nandito lang kayo, na hindi pa rin totoo ung nangyari, kahit 40 days na nakakalipas. 


Haaay...Totoo ngang hindi mo na ko nakita. Shit. Babe, 40 days ka ng hindi mawala sa isip ko. Parang kelan lang. Sobrang bilis. Hindi mo na tuloy ako nakitang nag-improve. Wala na kong braces. :'(

At eto, pinagpalit na naman kita sa thesis ko. Sorry di ako nakapunta nung undas. Pero nakita mo ba ung ginawa kong arrangement sayo? Sayang wala kong picture eh. Hehehe...hay babe. Dadalaw ako pag may time talaga ah. Chill ka lang dyan, di bale, kahit magkulit ka dyan, wala ka ng ibang pupuntahan. Til we see each other again babe, di ka pa rin mawawala. Nag-iisa ka lang talaga eh.

Nga pala, nagkita kami nila Bonnet, Aj (with Jem) at RB nung Monday, ikaw lang usapan namin..hehehe..miss ka na kasi namin eh! hmpf! Tsaka lahat pala ng nakakakita ng pin mo, ang gwapo mo raw! yiheeee!